Sun. May 12th, 2024

Nag-viral noong 2014 ang kuwento ng winning lotto ticket na naplantsa. Matapos ang siyam na taon, makukubra na raw ito?

Muling inere ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ang kuwento ni Antonio F. Mendoza. ang may-ari ng winning ticket sa Lotto 6/42 draw noong Oktubre 2, 2014, na bahagyang nasunog matapos plantsahin.

Ito’y matapos lumabas ang kautusan mula sa Supreme Court (SC) na mismo na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay dapat nang ibigay ang mahigit P12.3 milyong jackpot prize kay Mendoza.

Si Mendoza, na residente ng Batangas, at ang kanyang pamilya ay dumanas ng matitinding pagsubok dahil sa mabigat na pangyayari — pera na sana’y aahon sa kanilla sa kahirapan ay naging pasakit pa sa kanilang dibdib. Nalaman ng pamilya ni Mendoza na nagwagi ang isa nilang kombinasyon, ngunit nalukot ng kanyang apo ang winning ticket kaya’t pinlantsa ito ng isa niyang anak. Nadisgrasya!

Ang nakikita na lamang ay ang unang dalawang numero sa tatlong kombinasyon ng taya, ang outlet kung saan tumaya si Mendoza, ang draw date, at ang petsa at oras kung kailan ito itinaya.

Hindi agad sumuko si Mendoza. Lahat ng posibleng pagpapatunay ay pinagsikapan niya na makuha at nakailang hearing din pala sa usaping iyon.

Sa wakas, naglabas na ng order ang SC. Ayon sa Supreme Court: “…even in the absence of a readable ticket, he [Mendoza] was able to prove that he selected a set of numbers that corresponds to the winning combination number for the 6/42 Lotto draw on Oct. 2, 2014.”

Dahil sa mga inihain na patunay, may karapatan umano si Mendoza na matanggap ang jackpot prize.

Noong Oktubre 5, ayon sa Philstar, ay nagtungo sa opisina ng PCSO sa Mandaluyong City si Mendoza para kunin ang napanallunan ngunit tumanggi ang ahensy. Sa feature ng KMJS ay ibinahagi ni  Melquiades Robles, general manager ng PCSO, na wala pa silang natatanggap na pormal na desisyon mula sa Supreme Court. “We are confident that it will come and when it comes we will act on it, definitely.”

Hindi umano nila inipit ang premyo ni Mendoza. Sumusunod lamang daw sila sa mga alituntunin.

Dagdag pa niya, “We would like to assure the family of Mr. Mendoza na we’ll do our best na mapadali ang proseso ng pag-release ko sa inyo. It has been determined by the Supreme Court that you are a winner so we will abide by that. Ilang kembot na lang ho ito, malapit na ho ito so konting tiis na lang po at mae-enjoy n’yo rin.”

Sana nga ay maging lubos na rin silang maging masaya bilang pamilya na naghintay nang napakatagal.

Panoorin ang ibinaging feature ng Kapuso Mo Jessica Soho:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *