Sat. May 11th, 2024
Alone/TogetherImage via Alone/Together

Hindi ‘to spoiler ng Alone/Together kung ‘di parang trailer na ipinamalas sa porma ng mga hugot–maaaring totoong nasa pelikula at maaari rin simbolismo lamang–at malalaman lamang ninyo kung bakit ko naisip ang bawat isa kung panonoorin ninyo ang pelikula.

Alone/Together synopsis: College sweethearts Christine and Raf met again for the first time in a long time after their break up several years back and realized that they still have a connection despite being both in a relationship at present. (Starring: Liza Soberano and Enrique Gil)

#1 Minsan, sa isang maliit na pagkakamali mo matatagpuan ang pinakamalaking biyaya ng langit.

#2 Mas bumaon sa akin, sa pagkakataong ito, ang Spoliarium kaysa sa 214.

#3 Nasaan ang hustisya? Kung kailan ka maya’t mayang dinadalaw ng mga alaala, saka mo pa nakita ang taong kasama mong gumawa ng mga gunitang ito.

#4 Nakalulungkot kung paano pinapatay ng tunay na mundo ang bawat piraso ng pag-asang mayroon ka noong nag-aaral ka pa; noong parang posible ang lahat, noong pinakamakinang tingnan ang hinaharap.

#5 Hindi sa wala siya sa tabi mo—hindi mo lang talaga siya nakita.

#6 Iba na ang naroon sa tabi niya noong siya na ang taong pinapangarap mo lang noon na maging siya.

#7 Minsan kulang pa rin ang kalahating dekada para magawa ninyo kumonekta nang ganap sa isa’t isa.

#8 Sa tinagal-tagal ng panahon ng paghilom, isang pagkikita lang ang magpapadugo muli ng mga sugat.

#9 Kung totoong mahal ka niya, hindi niya itatali ang iyong mga pakpak. Hahayaan ka niyang lumipad; humalik sa pinapangarap mong kalangitan; hindi huhusgahan kung lumagpak, bagkus ay tutulungan pang ibalik sa dati ang iyong mga pakpak at gawin ang mga itong mas malakas pa .

#10 Ang pag-ibig ay isang sugal. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang ipinusta niya para lang makasama ka.

#11 Kapag dumating ang ikalawang pagkakataon at ginawa na niya ang parte niya, tatanggihan mo pa rin ba siya?

#12 Hindi totoong wala nang pag-asa. Ayaw mo lang talagang mahirapan sa pamamaalam at pagsisimulang muli.

#13 Gusto kong sisihin ang karakter ni Liza pero hindi mo rin naman puwedeng husgahan ang isang 21-year-old na gumulo nang husto ang isip nang mabigong abutin ang mga pangarap niya dahil binigo siya ng mundo.

#14 May mga pag-ibig na nanakawin sa iyo ang iyong kabataan. Mayroon din namang hindi ka patatandain kailanman. Mamili ka habang may oras pa.

#15 Hindi pa huli para ipagpatuloy mo ang pag-abot sa mga pangarap na tinalikuran mo, maging yaong mga sapilitang pinaiwanan sa iyo ng buhay.

#16 Lahat ng lugar maaari mong balikan. Pero hindi lahat katulad pa rin ng dati pagbalik mo.

#17 Hindi ito puro pag-ibig. Marami rin tungkol sa pangarap.

#18 Iba ang lugar na kailangan ka sa lugar na kailangan mo at kailangan ka rin.

#19 May mga pangarap na para sa iyo. May mga pangarap na hindi pa para sa iyo. At may mga pangarap na gagawin mong sa iyo hadlangan ka man paulit-ulit ng mundo.

#20 Hindi ko alam sa iba pero sa pelikulang ito, mas ginusto kong tumupad ng pangarap kaysa umibig.

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2019

For the unique movie thoughts that make the world stop and make the world go, read Traffic Digest‘s Thoughts While Watching blogs.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *