Sun. May 12th, 2024
More Than BlueImage via More Than Blue

Hindi ‘to spoiler ng More Than Blue kung ‘di parang trailer na ipinamalas sa porma ng mga hugot–maaaring totoong nasa pelikula at maaari rin simbolismo lamang–at malalaman lamang ninyo kung bakit ko naisip ang bawat isa kung panonoorin ninyo ang pelikula.

More Than Blue synopsis: Being “just friends” since high school, K and Cream believe they’re soulmates despite having no romantic connection. But when K finds out that he’s dying, he thought that finding a good man and setting her free would be the best for her. Is it? (Starring: JC Santos, Yassi Pressman, Diego Loyzaga, and Ariella Arida)

#1 Gaano kadali para sa isang naiwan na mang-iwan din ng iba?

#2 Paano nagagawang ayusin ng isang magulong tao ang isang magulong mundo?

#3 “Mag-iiba ang lahat kapag tinuloy natin,” sabi niya. May mag-iiba at mag-iiba kung pipiliin ng magkaibigan na dalhin ang friendship nila sa next level, pero hindi naman laging negative ang result ng risk. Maaari rin mauwi sa tunay na pag-ibig. Kailangan mo lang talagang maging matapang at handa kung ito ang pipiliin mong daan. (Let’s see kung saan papunta ‘to since simula pa lang naman, though ‘di ko rin naman isi-share kung ano talaga ang ending dahil mai-spoil ‘yong mga ‘di pa nakapanonood hahahaha!)

#4 Magiging kumplikado nga ba kapag nagsimula kayo ng bagong kabanata o ikaw ang kumplikado na talaga may magsimula man o wala?

#5 Hindi lang tayo ang gumagawa ng desisyon. Part lang tayo ng isang decision-making committee at sa committee na ‘yon, kasama natin ang ating past experiences, present feels, and even our hopes and fears sa kung anong puwedeng ibigay sa atin ng future.

#6 Pero puwede ka ulit magpatawag ng “meeting” at itanong sa past, present, at future self mo kung ano na ba ang gusto ninyo at that point in time. Baka kasi iba na. At baka, baka lang naman, medyo maaga pa for what ifs at may magagawa ka pa.

#7 Pinili ninyong gumuhit ng mga linya at magkaroon ng kalkuladong distansya para lamang manatili sa isa’t isa hanggang sa pagtanda–pero mananatili nga ba talaga?

#8 Bakit nga ba ang hilig nating manghula ng hinaharap base lamang sa mga kasalukuyang nagaganap? Kahit naman ipasiguro mo ang isang bagay, hindi pa rin naman uubra sa walang kasiguraduhang takbo ng buhay.

#9 Sumubok hanggang puwede pa. Sumugal habang nasa iyo pa ang alas.

#10 Naaawa ako sa character ni Diego Loyzaga. Ang unfair lang.

#11 Sa halip na masulit ang oras na paubos na, lalo pang nasayang.

#12 Ang hirap maging malapit sa taong hindi mo kayang iwanan pero hindi mo na rin naman puwedeng mahalin.

#13 Ang hirap din na iyong taong gusto mong protektahan habambuhay parang kailangan mo pang protekhan mula sa iyo.

#14 This is not your typical friendzone film. Mas malala ito sa friendzoned, seryoso.

#15 Sana another Kuwentong Jollibee feels na lang doon sa isang “eksena” kaso wala, ang bigat talaga.

#16 Ang hirap ipagkatiwala sa iba ng responsibilidad na halos buong buhay mong inako at habambuhay mong gustong gampanan.

#17 Kaloka ‘yong revelation sa recording! Ito lang masasabi ko.

#18 Hoy!

#19 May happy ending. (Hindi ko na lang sasabihin kung kanino. At depende rin naman sa definition mo nito.)

#20 Not related sa “happy ending”…pero grabe, unli plot twists ba ‘to? Ano pa bang mare-reveal?

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2022

For the unique movie thoughts that make the world stop and make the world go, read Traffic Digest‘s Thoughts While Watching blogs.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *