Sun. May 12th, 2024
hello love goodbyeScreenshot from Hello, Love, Goodbye

Hindi ‘to spoiler ng Hello, Love, Goodbye kung ‘di parang trailer na ipinamalas sa porma ng mga hugot–maaaring totoong nasa pelikula at maaari rin simbolismo lamang–at malalaman lamang ninyo kung bakit ko naisip ang bawat isa kung panonoorin ninyo ang pelikula.

Hello, Love, Goodbye synopsis: A Pinoy bartender and a Pinay domestic helper met each other in Hong Kong and eventually fell in love. They, however, have different plans for their future. Will love be enough for them to stay in each other’s arms? (Starring: Kathryn Bernardo and Alden Richards)

#1 Iba’t ibang mukha ng kalungkutan sa loob ng isang araw. Kaya pa ba? Sana. Dapat.

#2 Wala lang sa iyo pero, sa hindi mo maunawaang dahilan, malaking bagay pala para sa kanya.

#3 Minsan, kung saan ka nakulong, doon ka pa makararamdam ng kalayaan.

#4 Ang pag-ibig ay isang sugal. Hindi mo alam kung mananalo ka; ni hindi mo batid kung tatagal man lang ba ang iyong puhunan. Susugal ka pa rin ba kahit nalubog ka na sa unang beses na pumusta ka? Susugal ka pa rin ba kahit nasa kalagitnaan ka pa lang ng pag-ahon sa iyong mga utang?

#5 Hindi dahil hawak mo ang puso niya ay may karapatan ka na rin hawakan ang buhay niya.

#6 Puwedeng humindi kung gugustuhin mo—pero hindi lahat ng “hindi” ay hinihingi ng pagkakataon.

#7 Hindi lahat ng hiniling ay ginusto.

#8 Iyong pangarap na binubuo mo, sinisira ng mismong dahilan kaya nangarap ka.

#9 Malawak ang mundo para magkasya ka sa taong ikinikulong ka lang sa kanyang mga palad.

#10 Mas masarap daw kumausap ng “stranger” para “no judgment”—pero masarap din malaman ang “judgement” ng taong nagmamahal sa iyo nang totoo, na kahit hindi ka perpekto e kaya kang mahalin nang buong-buo.

#11 Hindi magbabago ang markang iniwan mo sa ating tagpuan kahit matuloy pa ang iyong paglisan.

#12 Karapat-dapat ka sa isang tao na kayang mahalin ang iyong mga pangarap; ‘yong magbibigay sa iyo ng sapat na espasyo para magawa mong iladlad ang iyong mga pakpak kapag dumating ang panahon kung kailan handa ka na lumipad, ‘yong kaya kang tanawin nang puno ng pagmamahal kahit pa naroon ka sa kalangitang malayo sa kanya.

#13 Hindi na ako makapag-Thoughts While Watching! Subukan ko kung kaya ‘yong “thoughts while crying”! Haha. Intense ‘yong batuhan ng linya sa scene na—ooops, bawal akong mang-spoil.

At ang galing nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ha! Nagpasakop sila sa mga karakter nila. Hindi ko na sila nakita bilang Kathryn at Alden. Sina Joy at Ethan lang ang napanood ko.

#14 Hindi lang ito kuwento ng pagmamahalan; kuwento rin ito ng mga breadwinner, ng mga OFW, ng mga hindi muna puwedeng unahin ang pag-ibig, ng mga taong niyayakap ang pangungulila para sa ikabubuti ng mga mismong dahilan ng kanilang pangungulila.

#15 Salamat sa characters nina Maymay, Joross, etc. Sila ‘yong mga pampa-GV na nagpa-light sa film. Iyong tipong maiiyak ka na tapos matatawa ka bigla kasi isasalit ‘yong scene nila.

#16 Patigilin muna natin ang oras, gumawa ng maraming alaala, para kung mawala ka man ay hindi ako maiwang nag-iisa.

#17 Hindi naman pala pag-ibig at pagkakataon ang dapat magtagpo—kayo.

#18 May isang bagay kang gustong ibigay sa minamahal mo pero pipiliin mo munang itago sa mga palad mo dahil alam mong hindi pa ito ang magpapasaya at kukumpleto sa kanya ngayon.

#19 Tip para mas maramdaman mo ‘yong “reveal” sa ending: May sasabihin kay Joy ‘yong dad ni Ethan sa isa sa mga pagkakataong nakasama niya ito. Parang wala lang noong sinabi iyon, parang normal na linya lang. Basta, makinig ka sa lines niya kasi maiisip mo ‘yong isang line na ‘yon kapag ni-reveal na ‘yong “itinatago” ni Ethan.

#20 Alam ko ‘yang nararamdaman mo pero kailangan mo nang tumayo at lumabas sa sinehan. (Makinig ka na lang ng Kung ‘Di Rin Lang Ikaw or…manood ulit!)

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2019

For the unique movie thoughts that make the world stop and make the world go, read Traffic Digest‘s Thoughts While Watching blogs.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *